3.31.2009 @ 4:09 AM
saan na nga ba?
kailangan ko pumunta sa UST para sa orienteering ng mga waitlisted applicants. kasama ko sila Shobe,Ernest,Ann,Kevin at Trina.kitakits sa mcdo ng mga 10am.pumunta muna kami ng MC kasi magpapareserve na si Shobe ng slot niya for Environmental Planning.ayos sa MC wi-fi--di pa kailangan ng password :)
tas after ni Shobe sakay na kami LRT para punta na sa USTe.pedicab.lakad to the max.wheew.
punta nako sa Beato Angelico para sa Orientation. may drawing exam pa sa April3[Friday].sana makapasa ko dun.haha.pero kung hindi okey lang din. bahala na si Lord kung anong landas ang ipapatahak niya sakin no. :D
then kain kami sa may KFC.kawawa si Ann andaming bawal dahil sa allergy niya:(bawal sa chicken,sa fish, sa strawberry, sa shrimp, sa mango, sa orange, sa chocolates, etc...).napansin pa namin yung daliri ni Trina, yung maiklng pinky.haha.abnormal.katuwa :))
balik ulit sa LRT para umuwi.pagdating sa Antips nauna na sila Shobe at Ernest.kaming natira ay umistambay pa sa bahay nila Kevin sa taktak.pinakain kami.again halos bawal lahat ke Ann.haha.tapos pinanood namin yung nobody at so hot ng Wondergirls. :3 nilaro din namin yung 2 hamsters ni ate Angela: si Batschy and Ojie. alis na kami dun nang mga 6pm. nahuli pa ni ann yung lolo niya sa isang inuman session.huli ka boi! >:))

ayon. nakauwi nadin.

nadidiscourage ako. : UST.UPLB.DLSU???saan ba??di ko alaam. :( naiingit ako sa ibang mageenrol nalang sa college nila. sana ako din meron naa. in GOD's time :)
inspires
3.30.2009 @ 4:04 AM
great image.
tipikal na araw lang.8am: unang-una ko ginagawa nang magising ako ay magsipilyo.malamang. tapos kain.bukas ng computer.ayon.tuloy-tuloy na sa paggamit.
mga 12pm na nang maligo ako.punta sa SM Taytay kasama ang kasambahay namin.nagpapicture ako ng 2x2 sa Great Image. after one hour pa daw makukuha.ikot ikot muna kami sa mall.nakakaasar lang tumingin tingin sa mga clothes,shoes,bags,etc. kasi nga wala naman akong pera. : pero sige tingin padin kahit masakit sa kalooban. :P

bumili ako ng Candy mag sa NBS, April Issue.tsk.wala ako ng March Issue. tas balik sa great image para kunin ang picture. at last nakuha ko narin. Voila! ang ganda ng pagkaedit nila, kinis tignan nang mukha ko eh tapos medyo pinatangos pa yung aking pangong ilong.HAHA! :)) gusto nga ng nanay ko magpa-family portrait sakanila eh.kaso di naman kami makompleto pag lumalabas. nyak.

uwi na kami. habang nasa jeepney may nakasabay kaming isang teacher at isang istudent niya nung high school.may trabaho na yun istudent, may pamilya na nga ata ee. kwentuhan sila. naiimagine ko tuloy kaming mga batchmates ko kapag tapos na kami sa kolehiyo at may kanya-kanya nang trabaho at pamilya. tapos minsan nalang magkakasalisi, di na parati magkakakitakita sa bus, jeep,LRT,MRT, o taxi.syempre de-kotse na kami nun.hahaha.echos. >:))
layo na ng naiimagine ko, di pa nga kami nagsisimula sa college ee. :)) goodluck samin sa college. :D
bukas nga pala ay kailangan ko magpunta sa UST para magpasa ng mga requirements at para malaman ang schedule ng drawing exam. pasama naman akoo! :) dalii na.samahan niyo ko bukas.
PLEEEASSEEE!!! :D
inspires
3.27.2009 @ 7:59 AM
tap, tap, :)
Ginormica/B.O.B./Insectosaurus/Cockroach Ph.D/the Missing Link
nagpunta ko sa MIS kanina para kuhain ang Form 138 ko at Certificate of Good Moral.dapat sabay kami ni Rania e kaso nauna na pala siya. daming teachers, kamiss sila lahat. :) pinipinturahan narin nila manong at manang ang mga tables na puro vandals. *sana pati yung table sa computer room magawan ng paraan. :)) after nun hinintay ko pa sila Kate at Katrina. tagal lang nila. sakit na ng pwet ko kakaupo. xD ayon. laro gamit ang i-tats, pampalipas oras. enjoy naman.
tapos dumating si Patrick para kunin din ang card grade. then si Ja dumaan lang. nagkayayaan na punta ng galle,nuod sine. pero uwi daw muna siya. kami ni Katrina tambay sa mcdo........naghihintay lang.........laro kanmi i-tats............tagal lang.
ayun. dumating na si Ludet, di pa nya kami napansin eh,dirediretso pa ang lola! :)) kasama niya cuz niya, si Mae.
tapos dumating na din sila JAids.sakay na kami fx pa-galle. pinasinakay muna namin si Mae ng taxikol pa-ewud naman. ayun.bili na kami tickets at food. pasok at nuod ng "Monsters VS. Aliens". sumunod sila Jops at Stephen(galing GH). then ng-Victory muna kami.50th Ave. tapos uwi kasabay nila mommy.nakatipid :).naglaro pa ulit ng i-tats sila Miguel at Ludet,nagHiscore pa tong si grilled.haha.eto naman si lil bro eh di matanggap ang pagkatalo kaya nang makababa na sila Ludet,Katrina,Mae ay naglaro pa ulit siya hanggang sa matalo niya ang score.awa ng Diyos naghiscore ulit siya.haha.
ayun.nakauwi din. :]
inspires
3.24.2009 @ 3:32 AM
iheartbatche
ayun grad party namin. nagkita-kita kaming GG[incomplete attendance] sa KFC ng mga 1:30. bumili ng machi-chicha sa 7-11. go na sa Villa Cristina. ayun. swimming.kodakan.tawanan.kaen.swimming :)

Punta sa Cafe Cristina para tumambay. tas nagkaroon ng problema sa room kasi nga wala kaming gaanong pera, di namin[other GG] afford ang P250 each/6K-na room. kaya nanalangin si Rudolf kay Papa GOD na bigyan kami ng konting pera mula sa langit. :))

Tas nagtext na nga itong si Ja na may dalang good news. libre na daw ang room dun sa hotel! yehey!
salamat Adrian! :D

tas nagpunta na kami sa room 201, VIP room yun sabi. o diba bongga? haha. salamat talaga.

ayun. kanya-kanya na silang pwesto sa kama.
kaming natira labas muna sa veranda. la magawa. tas nagpunta kami sa labas, banda sa may swing. tambay kami doon.nanghaharana pa si justin, ang galing! :)) kwentuhan. naupo nalang kami sa may grass area dun at nang wala na talagang magawa, sa sobrang kabagutan, naisipan naming maglaro.yung iba kwentuhan padin.

ang unang laro ay Patintero : Team Antipolo[Ako, Shobe, Nikki, Allelie] VS. Team Taytay[Rudolf, Justin, Levy].lugi kami. haha.syemre panalo ang team taytay. :D
so nagyaya ng next game, Tagutaguan naman daw.saya.nang makailang rounds nag-Bangsak naman kami.mas masaya :D [mga kalaro: Shobe,Nikki,Rudolf,Justin,Stephen,Buddy,Levy,Cabral]

unang taya si Shobe.edi hanap naman siya, nahanap na niya lahat except mee na nagtatago sa likod ng bench.so tinulungan ako ng iba kong allies na magtago sa likod nila, para daw maSak ko si Shobe. haha. so nung nasa likod na ko ni Shobe, edi ayos na, masaSak ko na siya, pero siya pa din nauna iBang ako. gulat ako ee :))

Andami namin rounds sa bangsak. xD laughtrip talaga. si Rudolf talaga madungis na bata. kung sansan nagsususuot,nakahubad pa. Eto namang si Julius di magpapahuli, naghubad din ng damit at nagpanggap pang parang isang construction worker.di nga mamukhaan ni Stephen nung una ee, buti nalang maputi. :)) Tapos si Stephen uli taya, ginulat naman siya ni Levy na nagtatago sa likod ng isang horsetail plant.kulit lang ng reaksyon ni Stephen ee.bang bang bang. :)) Dapat laging ginugulat si Stephen ee.effective. Nadapa pa sa paglalaro sila Stephen at Nikki.haha.

Tuloy padin laro. yung mga boys eh naghuhubad na para lang di sila makita agad. si Stephen nga naghubad din ng shorts tapos nilagay ba naman sa ulo yung shorts. wth. :)))

Tapos taya ulit si Shobe.kulit lang ni Justin ee.tumakbo kasama yung duyan na parang shell,di tuloy alam ni Shobe kung sino yung papalapit sakanya. eto pa, taya ulit si Shobe so yung mga boys kanya kanyang tago. yung apat sa kanila nagtago ulit dun sa mga duyan at nahiga sila, para silang mga pagong.hahaha.di kilala ni Shobe kung sinu ba ang i-bBang nya ee :)) Si Nikki naman taya, si Julius nagpanggap ulit na construction worker buhat buhat ang isang wheelbarrow. di lang alam ni Nikki na nasa loob si Rudolf sa wheelbarrow. Napansin nalang niya na andun pala si Rudolf nang mabitawan ni Julius ang wheelarrow. :)) bagsak si Rudolf ee. dungis. :))

Makailang rounds, nagyaya naman sila ng swimming ng mga 3am. Akyat kami sa room. kuha ng gamit.napagtripan pa ang mga nasa room,yung Benjamin Button..nagiwan ng isang basket na mukhang baby sa harap ng room namin tapos kakatok ang isa samin.kulet lang amp. :)) pagkatapos mangtrip diretso na sa pool area.kasama namin si Merik kasi pinaglockan na kami sa room. Onga pala, kulet lang ni Stephen. :)) pano nagbrief lang siya,walang hiyahiya eh.:)) Nagturo pa si Ruolf ng isang dance. "I want Nobody, Nobody but You" [clap 4 times] XD. hyper lang kami ee.sandali lang kaming nagswimming, lamig daw ee. Balik sa room 201,palit ng damit. Eh wala padin kaming mappwestuhan sa room kaya tumambay kami sa veranda.kwentuhan. tawanan. umaacting pa si Rudolf kung ano ggawin mo pag uwi, ganito daw:

Anak: (knock, knock....pasok) **kitang-kita ang eyebags**

Magulang: O anak, ano nangyari sayo??

Anak: Bawal po matulog eh.[sinasabi yan habang bumabagsak--wasaak] :))

hahaha. laughtrip. hyper na mga tao kahit walang tulog. tawa nalang kami* ng tawa.haha. Inalok AKO ni JM ng upuan kaso ang umupo naman si Katrina.Tapos inalok din ako ni Justin, ang umupo naman si Rania. [Angela nga eh.Ako yun diba?]:))tapos sabi pa ni Rudolf kapag tumunog daw yung windchime na ibblow nya papasok kami sa room.e hindi tumunog.inulit nya at tinitira pa ng tsinelas. di naman niya matamaan, bangag na eh. wala padin kaming tulog, wala paring pwesto. so yun, pasok kami lahat sa room at kinuha lahat ng gamit namin. Alsabalutan kami eh. XD pagkalabas ni Rudolf at Julius, alis na kami. mga 5am na ata yun. lakad kami.Halos EB at GG nga eh. themesong namin ang You'll Never Walk Alone :D Sakay sa tryk at diretso 7-11.gutom na gutom na kami eh. kain tapos pupunta kela Allelie.di na sumama sila JM at Sam.uwi na daw sila. Nung nakila Allelie na kami, diretso tulog kami sa kwarto niya. Limang tao sa kama at Walo ata sa sahig. Sarap ng tulog namin. mga 6:30am nun. Pagkagising, baba kami nila Shobe, Nikki, Rania, Buddy, Kishi, Levy sa sala.iglip sandali at patugtog. ngpraise&worship kami :) bumaba nadin sila Ludet at Katrina. gutom nanaman kami. Labas yung mga lalaki para kumain. hinintay lang namin sila para maiwan. Umalis na kami nila Nikki, Shobe at Rania. paalam kay Allelie at sa iba.

Weew. saya, makakauwi nadin. XD

ayown, pagdating ko dito kahapon mga 11am na. kain.tulog. Nagising nalang ng 6pm. ayos na. nakapag-powersleep nadin. 7hours! xD recharged na ulit.

[kami*: Ako, Nikki, Shobe, Rania, Katrina, Allelie, Loudette, Rudolf, Justin, Kishi, Patrick, JM, Buddy, Levy, Cabral, Stephen, Sam]

kahit na ganun ang Grad party, masaya padin kami. Malamang last na ito na magkakasama-sama kami..NOOO!huwag naman sana. di pa nga kami kumpleto nun eh. di kasi pwede yung iba, may mga lakad sila. sayang. :(


i love BATCHe. :') mamimiss ko kayong lahat! :D



inspires
3.21.2009 @ 8:32 AM
maligayang kaarawan!
ayun. happy birthday kay Cabral! :D
inspires
8:18 AM
babay high school.
ayun. ganap na nga kaming graduate kahapon (March 20,2009). nakakalungkot na masaya. :')
magkakaiba-iba na kami ng landas na tatahakin sa college pero sana magsama-sama padin. ayon nga sa mommy ko, ang high school friends daw talaga ang magiging mga berks mo sa pagtanda. sana nga. :D
"our journey or destination will cross us in time"
sobrang mamimiss ko ang Batche,ang GG, EB,AGG, MIS, ang aming mga naging guro, staff, manongs at manangs, undergrads. as in LAHAT ng nasa MIS. :')
o sya. may panibagong kabanata nanaman ang aming buhay, ang buhay kolehiyo. whaaat?! di pa ako ready. shocks. hirap nga mag-let go. :(
haha.saan kaya ako magcollege?? xD
gege . bye. :)

Labels:

inspires
Inspirations.
Yournamehere.
angela
02.02.93
16 years old
aka: angel.ange.gelay.bata.


Craves,Loves,Hates
Shopping List.
♥ GOD
♥ Family
♥ Friends
♥ Batche
♥ GG
♥ EB
♥ AGG
♥ Hearts
♥ Purple
♥ you!


Wishlist.
SLR
my own ipod charger
makapasok sa UST
laptop
money.!

Melody.
Relax your soul.
Connections.
Escapes.

Mix the words up.
Gossips.

It took time to see.
Memories.

You have my thanks.
credits.
Designer: audieee-kewgirl♥
Basecodes&Inspirations:Eclair-x
Pictures : maesstria.
Best viewed in 1026 x 768 pixels screen resolution and smaller, Mozilla Firefox.