nagising ako ng mga 9am.ligo agad kasi sasamahan ko si mommy sa Monteverde Royale para bisitahin yung pinapagawang bahay. daan muna kami sa Federal hardware,may bibilhin kasing mga materyales. e kaso wala pala dun.so napagisip-isip ni mommy na magaabsent nalang para makabili nung mga gamit at para hanapin ang aking nakatatandang kapatid na di pa umuuwi mula pa nung Lunes. dumaan kami sa isang furniture shop na pagmamay-ari ng isang interior designer na nakilala ni mommy thru a magazine.siya daw nag-design ng bahay ni Sam Milby at graduate pa sa PSID(ang dream school koo ;D).waaw.
then biglaan kami nagpunta sa Ortigas Home Depot.kamusta naman nakapambahay outfit lang mee. haha.tingin tingin muna ng tiles.ang ganda nung Bisazza tiles.nagustuhan namin. XD
tapos bumili na nga ng kailangan.then balik na sa taytay. hinatid lang yung mga materyales at tumingin sa isang bahay. ang ganda shet.parang condo unit.bait pa nung owner,ganda din. :) ang ganda nung pagkakadesign ng bahay--simple pero elegante.contemporary style. business niya daw ay paggawa ng mga gowns.waw.
gusto ko ng ganung style ng bahay! XD
uwi na...
hinanap muna ni mommy si kuya koo. punta kela Tita Liz Montealegre & Byun's house.wala daw dun.
tapos umuwi na din si kuya,galing pa daw sa novaliches.tsk.ayun nagusap sila mommy kung gusto pa bang ituloy ang pagaaral. sus. tinigil din ang studies, sayang pera. :
ayun lang. gege.