ayun grad party namin. nagkita-kita kaming GG[incomplete attendance] sa KFC ng mga 1:30. bumili ng machi-chicha sa 7-11. go na sa Villa Cristina. ayun. swimming.kodakan.tawanan.kaen.swimming :) Punta sa Cafe Cristina para tumambay. tas nagkaroon ng problema sa room kasi nga wala kaming gaanong pera, di namin[other GG] afford ang P250 each/6K-na room. kaya nanalangin si Rudolf kay Papa GOD na bigyan kami ng konting pera mula sa langit. :))Tas nagtext na nga itong si Ja na may dalang good news. libre na daw ang room dun sa hotel! yehey! salamat Adrian! :Dtas nagpunta na kami sa room 201, VIP room yun sabi. o diba bongga? haha. salamat talaga. ayun. kanya-kanya na silang pwesto sa kama.
kaming natira labas muna sa veranda. la magawa. tas nagpunta kami sa labas, banda sa may swing. tambay kami doon.nanghaharana pa si justin, ang galing! :)) kwentuhan. naupo nalang kami sa may grass area dun at nang wala na talagang magawa, sa sobrang kabagutan, naisipan naming maglaro.yung iba kwentuhan padin.
ang unang laro ay Patintero : Team Antipolo[Ako, Shobe, Nikki, Allelie] VS. Team Taytay[Rudolf, Justin, Levy].lugi kami. haha.syemre panalo ang team taytay. :D
so nagyaya ng next game, Tagutaguan naman daw.saya.nang makailang rounds nag-Bangsak naman kami.mas masaya :D [mga kalaro: Shobe,Nikki,Rudolf,Justin,Stephen,Buddy,Levy,Cabral]
unang taya si Shobe.edi hanap naman siya, nahanap na niya lahat except mee na nagtatago sa likod ng bench.so tinulungan ako ng iba kong allies na magtago sa likod nila, para daw maSak ko si Shobe. haha. so nung nasa likod na ko ni Shobe, edi ayos na, masaSak ko na siya, pero siya pa din nauna iBang ako. gulat ako ee :))
Andami namin rounds sa bangsak. xD laughtrip talaga. si Rudolf talaga madungis na bata. kung sansan nagsususuot,nakahubad pa. Eto namang si Julius di magpapahuli, naghubad din ng damit at nagpanggap pang parang isang construction worker.di nga mamukhaan ni Stephen nung una ee, buti nalang maputi. :)) Tapos si Stephen uli taya, ginulat naman siya ni Levy na nagtatago sa likod ng isang horsetail plant.kulit lang ng reaksyon ni Stephen ee.bang bang bang. :)) Dapat laging ginugulat si Stephen ee.effective. Nadapa pa sa paglalaro sila Stephen at Nikki.haha.
Tuloy padin laro. yung mga boys eh naghuhubad na para lang di sila makita agad. si Stephen nga naghubad din ng shorts tapos nilagay ba naman sa ulo yung shorts. wth. :)))
Tapos taya ulit si Shobe.kulit lang ni Justin ee.tumakbo kasama yung duyan na parang shell,di tuloy alam ni Shobe kung sino yung papalapit sakanya. eto pa, taya ulit si Shobe so yung mga boys kanya kanyang tago. yung apat sa kanila nagtago ulit dun sa mga duyan at nahiga sila, para silang mga pagong.hahaha.di kilala ni Shobe kung sinu ba ang i-bBang nya ee :)) Si Nikki naman taya, si Julius nagpanggap ulit na construction worker buhat buhat ang isang wheelbarrow. di lang alam ni Nikki na nasa loob si Rudolf sa wheelbarrow. Napansin nalang niya na andun pala si Rudolf nang mabitawan ni Julius ang wheelarrow. :)) bagsak si Rudolf ee. dungis. :))
Makailang rounds, nagyaya naman sila ng swimming ng mga 3am. Akyat kami sa room. kuha ng gamit.napagtripan pa ang mga nasa room,yung Benjamin Button..nagiwan ng isang basket na mukhang baby sa harap ng room namin tapos kakatok ang isa samin.kulet lang amp. :)) pagkatapos mangtrip diretso na sa pool area.kasama namin si Merik kasi pinaglockan na kami sa room. Onga pala, kulet lang ni Stephen. :)) pano nagbrief lang siya,walang hiyahiya eh.:)) Nagturo pa si Ruolf ng isang dance. "I want Nobody, Nobody but You" [clap 4 times] XD. hyper lang kami ee.sandali lang kaming nagswimming, lamig daw ee. Balik sa room 201,palit ng damit. Eh wala padin kaming mappwestuhan sa room kaya tumambay kami sa veranda.kwentuhan. tawanan. umaacting pa si Rudolf kung ano ggawin mo pag uwi, ganito daw:
Anak: (knock, knock....pasok) **kitang-kita ang eyebags**
Magulang: O anak, ano nangyari sayo??
Anak: Bawal po matulog eh.[sinasabi yan habang bumabagsak--wasaak] :))
hahaha. laughtrip. hyper na mga tao kahit walang tulog. tawa nalang kami* ng tawa.haha. Inalok AKO ni JM ng upuan kaso ang umupo naman si Katrina.Tapos inalok din ako ni Justin, ang umupo naman si Rania. [Angela nga eh.Ako yun diba?]:))tapos sabi pa ni Rudolf kapag tumunog daw yung windchime na ibblow nya papasok kami sa room.e hindi tumunog.inulit nya at tinitira pa ng tsinelas. di naman niya matamaan, bangag na eh. wala padin kaming tulog, wala paring pwesto. so yun, pasok kami lahat sa room at kinuha lahat ng gamit namin. Alsabalutan kami eh. XD pagkalabas ni Rudolf at Julius, alis na kami. mga 5am na ata yun. lakad kami.Halos EB at GG nga eh. themesong namin ang You'll Never Walk Alone :D Sakay sa tryk at diretso 7-11.gutom na gutom na kami eh. kain tapos pupunta kela Allelie.di na sumama sila JM at Sam.uwi na daw sila. Nung nakila Allelie na kami, diretso tulog kami sa kwarto niya. Limang tao sa kama at Walo ata sa sahig. Sarap ng tulog namin. mga 6:30am nun. Pagkagising, baba kami nila Shobe, Nikki, Rania, Buddy, Kishi, Levy sa sala.iglip sandali at patugtog. ngpraise&worship kami :) bumaba nadin sila Ludet at Katrina. gutom nanaman kami. Labas yung mga lalaki para kumain. hinintay lang namin sila para maiwan. Umalis na kami nila Nikki, Shobe at Rania. paalam kay Allelie at sa iba.
Weew. saya, makakauwi nadin. XD
ayown, pagdating ko dito kahapon mga 11am na. kain.tulog. Nagising nalang ng 6pm. ayos na. nakapag-powersleep nadin. 7hours! xD recharged na ulit.
[kami*: Ako, Nikki, Shobe, Rania, Katrina, Allelie, Loudette, Rudolf, Justin, Kishi, Patrick, JM, Buddy, Levy, Cabral, Stephen, Sam]
kahit na ganun ang Grad party, masaya padin kami. Malamang last na ito na magkakasama-sama kami..NOOO!huwag naman sana. di pa nga kami kumpleto nun eh. di kasi pwede yung iba, may mga lakad sila. sayang. :(
i love BATCHe. :') mamimiss ko kayong lahat! :D

